MGA PALIWANAG TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO
May tatlong paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ang una diyan ay ang mga paliwanag mula sa mga mitolohiya. Ayon sa mitolohiya na pinaniniwalaan ng mga Filipino, nailuwal sa mundo ang mga tao sa pamamagitan ng isang kawayan. Ayon sa kwento, may isang ibon na lumilipad sa kalangitan ang dumapo sa isang malaking kawayan at tinuka-tuka ito hanggang sa mahati sa dalawa. Lumabas sa kawayan ang dalawang tao at tinawag silang si "Malakas" at si "Maganda". Sila daw ang pinagmulan ng mga tao sa daigdig.
ANG ALAMAT NI MALAKAS AT NI MAGANDA |
Ang ikatlong paliwanang naman ay mula sa SIYENSYA. Ayon sa mga Siyentipiko at mga Antropologo, ang mga tao daw ay lumitaw sa daigdig sa pamamagitan ng proseso ng ebolusyon. Nag evolve ika nila, mula sa simpleng organismo hanggang sa maging tao.
SINA ADAN AT EBA |
CHARLES DARWIN |
MGA SIYENTIPIKO AT ARKEOLOGONG TUKLAS NA MAKAPAGBIBIGAY PALIWANAG TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO.
Batay sa maka-siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng mga tao, ang mga tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ang tinatawag nilang mga specie ng "AUSTROLAPETHICUS" at ang pinakahuli ay ang specie ng mga "HOMO". Tinatayang nabuhay mahigit 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.
*APES --- Malalaking uri ng mga unggoy. Kilala din sa tawag na bakulaw ng mga Filipino.
Halimbawa ng isang APE o Bakulaw |
Artist impression ng isang uri ng AUSTRALOPITHECUS na natuklasan sa southern Africa. |
HOMO ERECTUS --- Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo. Natatangi sa ibang genus ng mga HOMO sapagkat siya ay tuwid kung tumayo kumpara sa ibang HOMO na medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan na din siyang gumawa ng mga kagamitan(tools)at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan.
http://www.livescience.com/41048-facts-about-homo-erectus.html
HOMO SAPIENS --- Nangangahulugang "modernong tao". Ang genus ng mga HOMO na nabubuhay hanggang ngayon. Tayo ang tinutukoy dito, lahat ng tao na nabubuhay ngayon ay sinasabing dito nagmula.
http://archaeologyinfo.com/homo-sapiens/
MGA TANYAG NA MGA PREHISTORIKONG TAO
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao, ang Homo Sapiens
Neanderthalensis(circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa
paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.
LARAWAN NG BUNGO NG CRO-MAGNON |
LARAWAN NG BUNGO NG HOMO-SAPIENS NEANDERTHALENSIS |
PAINTINGS NA LIKHA NG MGA CRO-MAGNON |
SINAUNANG URI NG PAMUMUHAY NG MGA TAO
Pagkaraang lumitaw ng mga HOMO species partikular ang mga HOMO HABILIS noong dakong 2.5 milyong taon na ang nakakaraan, nagsimula na rin ang PANAHONG PALEOLITIKO. Ito ang unang yugto ng pagunlad ng KULTURA ng mga tao.
ANG PANAHONG PALEOLITIKO --- Ang salita ay nagmula sa salitang Griyego na "PALEOS" na nangangahulugang "MATANDA O LUMA", at "LITHOS" na nangangahulugang "BATO". Sa panahong ito naobserbahan ang kauna-unahang anyo ng pamumuhay ng mga tao.May tatlong yugto(period)ang PANAHONG PALEOLITIKO, basahin at unawain sa tsart ang mga yugtong ito.
URI NG PAMUMUHAY NG MGA TAO NOONG PANAHONG PALEOLITIKO
Lagalag sila at palipat-lipat ng tahanan, subalit karaniwang panandaliang nananatili sa mga yungib at malalaking punong kahoy para makaiwas sa mga mababangis na hayop at ilan pang mga panganib na nagbabanta sa kalikasan.
MGA KAGAMITANG BATO NA GINAMIT NG MGA TAO NOONG PANAHONG PALEOLITIKO
Ginamit na sandata ng mga sinaunang tao na nabuhay noong PANAHONG PALEOLITIKO ang mga magagaspang na bato. Ginamit nila ito para manghuli ng mga maiilap na hayop sa ilang, panghiwa ng karne, pamputol ng kahoy, at maging sa pagkuha ng iba pang halaman. Natuklasan din nila ang APOY sa panahong ito.
http://www.arheologija.narod.ru/d1ustanove/vrsac/Prehistoric.html
ANG PANAHONG NEOLITIKO
Dahan-dahang umunlad ang pamumuhay ng mga tao hanggang makamit nito ang isa pang yugto na siyang naging dahilan ng tuluyang pagbabago sa kanilang pamumuhay at kultura sa pangkalahatan. Tinawag ang yugtong ito na PANAHONG NEOLITIKO. Basahin at unawain ang tsart tungkol dito.
URI NG PAMUMUHAY NG MGA TAO NOONG PANAHONG NEOLITIKO
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
Natuklasan nila ang pagtatanim ng butil, buto ng prutas, gulay at iba pang halaman. Nagawa nilang magpaamo ng hayop na nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga gawain at pagbubungkal ng lupa. Nakagawa sila ng palayok mula sa luwad na ginagamit nila para lutuan at imbakan ng pagkain. Naging pirmihan na rin ang kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila ng mga pamayanan, at dumating ang panahon ay nagkaroon sila ng mga pinuno at pamahalaan. Isang halimbawa ng neolitikong pamayanang ito ay ang "Catal Huyuk" na matatagpuan sa Anatolia Turkey.
MGA KAGAMITANG BATO NA GAMIT NOONG PANAHONG NEOLITIKO
Mas makinis, pinakintab, at higit sa lahat ay may disenyo. Bawat desinyo at ayon sa kani-kanilang gamit sa pangangaso at gawaing bahay. Ipinapakita nito na ang mga taong ito ay maunlad na ang pag-iisip at may kakayahan nang magdesinyo at magpaunlad ng kanilang mga kagamitan.
ANG PANAHONG METAL
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal.
Nahahati sa tatlong yugto ang PANAHONG METAL, batay sa uri ng ginamit na metal ang bawat yugto. Sinimulan ng mga HITTITE ang paggamit ng metal. Karaniwan nilang ginagamit ito sa armas pangdigma subalit kalaunan ay ginamit na din sa mga kagamitang ginagamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Nagdulot ang paggamit ng metal sa higit pang pagunlad ng TEKNOLOHIYA.
MGA KAGAMITANG METAL NA GAMIT NG MGA TAO NOONG PANAHONG METAL
SINAUNANG PAMAYANAN NG MGA TAO NOONG PANAHONG METAL
TEKNOLOHIYA BILANG KASANGKAPAN SA PAG-UNLAD NG TAO
Ano ba ang TEKNOLOHIYA?bakit kinakailangan ng tao na makatuklas ng bagong teknolohiya?Para saan ito, at ano ang gamit para sa kanila?Papaano ito nagsimula at saan?ano ang mga naunang teknolohiya na naitalang ginamit ng mga tao?
Ang teknolohiya ay kaakibat na ng pag-unlad ng tao. Ito actually ang ginamit ng tao para mapadali ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito sa simpleng paggamit ng tao ng mga kagamitang bato bilang premitibong kagamitan. Lumawak at naging patuluyan ang pagtuklas ng tao sa mga bagay na makakatulong sa kanya(Teknolohiya)hanggang makamit nila ang isang mataas na antas ng pamumuhay.
***
SOURCE:
1.KASAYSAYAN NG DAIGDIG:Araling Panlipunan, kagamitan ng mga mag-aaral.
2. Buhay na Asya
3. Ilang piling tala mula sa wikipedia
4. http://www.arheologija.narod.ru/d1ustanove/vrsac/Prehistoric.html
5. http://archaeologyinfo.com/homo-sapiens/
maganda damo ma tun an ang mga kabataan
TumugonBurahinmaganda damo ma tun an ang mga kabataan
TumugonBurahinSalamat sa mga impormasyon. Malaking tulong ito sa mga kabataang mag-aaral.
TumugonBurahinNaway patuloy pa ang pagbibigay nyo ng mga magagandang kaalaman sa lahat. Maraming salamat sa mga impormasyon.
TumugonBurahinSalamat po sa impormasyon.Makakatulong po ito sa mga mag-aaral na kgya ko.
TumugonBurahinMaisa ak nga naayatan iti history ti dagiti immuna nga tao aginggana tatta ,ti .aibagak laeng sabali idi sabali tatta iso nga binasak amin nga history nakayatak iso kayat ko nga isubli tay naggapwanan tayo nga tattao ..uray 90s ak kayat ko nga tuladen idi kapanawenan dagiti imuna nga tao.salamat
TumugonBurahinARTRICH Mesa ORALLO
Reader yo.
Maraming salamat po malaking tulong po ito sa aking lesson sa grade 8 araling panlipunan.
TumugonBurahinAng ganda, klaro ang bawat paglipat ng paksa.Ang mga inpurmasyun na ginamit ay halatang binaybay ng maayos at pinag aralan bago isinulat.
TumugonBurahinThank you for this information..
TumugonBurahinmaraming salamat po sa mga impormasyong ito.malaking tulong ang naibigay nyo sa mga mag-aaral
TumugonBurahinWalang tulong
TumugonBurahinCasino No Deposit Bonus Codes | Wooricasinos
TumugonBurahinCasino 넥스트벳 No Deposit 사설토토사이트 Bonuses 메이플 슬롯 강화 · BetRivers · BetOnline.com · 랜덤 룰렛 TheBestCasinos · Ignition.eu · 토토커뮤니티 BetOnline.com · TheBestCasinos.
Hard Rock Hotel & Casino Chester, PA - MapYRO
TumugonBurahinFind hotels near Hard Rock Hotel & Casino 천안 출장안마 Chester 부산광역 출장샵 in 거제 출장마사지 Chester, Pennsylvania. Use MapYRO to 동해 출장샵 easily 목포 출장안마 see locations, hours, directions and phone numbers of