Minsan magtataka ka at magtatanong kung papaano ba tayo lumitaw sa munado. Mahirap ipaliwanag sapagkat lumitaw tayo na ang nakagihasnan ay ito na, I mean namulat tayo na ganito na, tao na. Pero papaano nga ba lumitaw ang mga tao sa daigdig?ito ang tanong na bibigyan natin ng mga kasagutan sa araw na ito.
MGA PALIWANAG TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO
May tatlong paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ang una diyan ay ang mga paliwanag mula sa mga mitolohiya. Ayon sa mitolohiya na pinaniniwalaan ng mga Filipino, nailuwal sa mundo ang mga tao sa pamamagitan ng isang kawayan. Ayon sa kwento, may isang ibon na lumilipad sa kalangitan ang dumapo sa isang malaking kawayan at tinuka-tuka ito hanggang sa mahati sa dalawa. Lumabas sa kawayan ang dalawang tao at tinawag silang si "Malakas" at si "Maganda". Sila daw ang pinagmulan ng mga tao sa daigdig.
|
ANG ALAMAT NI MALAKAS AT NI MAGANDA |
Ang ikalawang paliwanag ay tungkol naman sa paniniwalang pangrelihiyon. Ito ang pinakatanyag sa lahat at pinaniniwalaan ng bilyon-bilyong mga Kristiayano. Ayon sa paliwanang na ito, nalikha ang tao sa pamamagitan ng isang Diyos na may lalang. Mababasa ang mga tala tungkol sa paglalang ng mga tao sa Bibliya, partikular na sa aklat ng "Genesis". Tinawag ng panginoon bilang sina "ADAN" at "EBA" ang mga tao na kanyang nailalang. Ito ang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga tao ayon sa mga Kristiyano.
Ang ikatlong paliwanang naman ay mula sa SIYENSYA. Ayon sa mga Siyentipiko at mga Antropologo, ang mga tao daw ay lumitaw sa daigdig sa pamamagitan ng proseso ng ebolusyon. Nag evolve ika nila, mula sa simpleng organismo hanggang sa maging tao.
|
SINA ADAN AT EBA |
Isa sa mga nagkatha at tagapagtaguyod ng Teoryang ito ng ebolusyon ng tao ay si Chalrs Darwin.
|
CHARLES DARWIN |
Ayon sa kanyang paliwanag, lahat daw ng specie sa daigdig ay nagmula sa iisang ancestor at na dumami ito at naging ibat-ibang specie at na ang taning "matibay at malakas" ay siyang nag evolve sa pamamagitan ng tinatawag na "natural selection". Hindi lahat ay tumanggap sa kanyang pananaw, subalit naging batayan ito ng mga siyentipikong pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng tao.
MGA SIYENTIPIKO AT ARKEOLOGONG TUKLAS NA MAKAPAGBIBIGAY PALIWANAG TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO.
Batay sa maka-siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng mga tao, ang mga tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ang tinatawag nilang mga specie ng "AUSTROLAPETHICUS" at ang pinakahuli ay ang specie ng mga "HOMO". Tinatayang nabuhay mahigit 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.
*APES --- Malalaking uri ng mga unggoy. Kilala din sa tawag na bakulaw ng mga Filipino.
|
Halimbawa ng isang APE o Bakulaw |
*AUTROLAPETHICUS--- Nagmula sa salitang "Austra" na nangangahulugang TIMOG(south)at "Pithecus" na nangangahulugang APE(Bakulaw). Pagpinagsama ang mga salita, ito ay nangangahulugang "SOUTHERN APES". Tinawag na ganun sapagkat lahat ng mga labi at buto ng mga ito ay natagpuan lahat sa TIMOG AFRICA.
|
Artist impression ng isang uri ng AUSTRALOPITHECUS na natuklasan sa southern Africa. |
|
*HOMO --- Nangangahulugang TAO, sila ang pinakahuling lumitaw na specie ng tao at pinaniniwalaang siyang ating pinagmulan. May tatlong tanyag na HOMO na natagpuan ng mga Antropologo. Ito ang mga sumusunod na Homo specie na natuklasan ng mga antropologo sa ibat-ibang panig ng Daigdig, una ang mga HOMO HABILIS, ikalawa ang mga HOMO ERECTUS, at ang ikatlo ay ang mga HOMO SAPIENS.
HOMO HABILIS --- Nangangahulugang taong marunong gumawa ng gamit o kagamitan.("HANDY MAN")
HOMO ERECTUS --- Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo. Natatangi sa ibang genus ng mga HOMO sapagkat siya ay tuwid kung tumayo kumpara sa ibang HOMO na medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan na din siyang gumawa ng mga kagamitan(tools)at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan.
http://www.livescience.com/41048-facts-about-homo-erectus.html
HOMO SAPIENS --- Nangangahulugang "modernong tao". Ang genus ng mga HOMO na nabubuhay hanggang ngayon. Tayo ang tinutukoy dito, lahat ng tao na nabubuhay ngayon ay sinasabing dito nagmula.
http://archaeologyinfo.com/homo-sapiens/
MGA TANYAG NA MGA PREHISTORIKONG TAO
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao, ang Homo Sapiens
Neanderthalensis(circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa
pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa
paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.
|
LARAWAN NG BUNGO NG CRO-MAGNON |
|
LARAWAN NG BUNGO NG HOMO-SAPIENS NEANDERTHALENSIS |
|
PAINTINGS NA LIKHA NG MGA CRO-MAGNON |
SINAUNANG URI NG PAMUMUHAY NG MGA TAO
Pagkaraang lumitaw ng mga HOMO species partikular ang mga HOMO HABILIS noong dakong 2.5 milyong taon na ang nakakaraan, nagsimula na rin ang PANAHONG PALEOLITIKO. Ito ang unang yugto ng pagunlad ng KULTURA ng mga tao.
ANG PANAHONG PALEOLITIKO --- Ang salita ay nagmula sa salitang Griyego na "PALEOS" na nangangahulugang "MATANDA O LUMA", at "LITHOS" na nangangahulugang "BATO". Sa panahong ito naobserbahan ang kauna-unahang anyo ng pamumuhay ng mga tao.May tatlong yugto(period)ang PANAHONG PALEOLITIKO, basahin at unawain sa tsart ang mga yugtong ito.
URI NG PAMUMUHAY NG MGA TAO NOONG PANAHONG PALEOLITIKO
Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga tao sa panahong ito. Pulo-pulotong sila sa paghahanap ng mga pagkaing kinakalap(foraging)nila mula sa kapaligiran. Ganoon din ang kanilang sistema sa paghuli ng mga galang hayop(hunting)sa ilang.
Lagalag sila at palipat-lipat ng tahanan, subalit karaniwang panandaliang nananatili sa mga yungib at malalaking punong kahoy para makaiwas sa mga mababangis na hayop at ilan pang mga panganib na nagbabanta sa kalikasan.
MGA KAGAMITANG BATO NA GINAMIT NG MGA TAO NOONG PANAHONG PALEOLITIKO
Ginamit na sandata ng mga sinaunang tao na nabuhay noong PANAHONG PALEOLITIKO ang mga magagaspang na bato. Ginamit nila ito para manghuli ng mga maiilap na hayop sa ilang, panghiwa ng karne, pamputol ng kahoy, at maging sa pagkuha ng iba pang halaman. Natuklasan din nila ang APOY sa panahong ito.
http://www.arheologija.narod.ru/d1ustanove/vrsac/Prehistoric.html
ANG PANAHONG NEOLITIKO
Dahan-dahang umunlad ang pamumuhay ng mga tao hanggang makamit nito ang
isa pang yugto na siyang naging dahilan ng tuluyang pagbabago sa
kanilang pamumuhay at kultura sa pangkalahatan. Tinawag ang yugtong ito
na PANAHONG NEOLITIKO. Basahin at unawain ang tsart tungkol dito.
URI NG PAMUMUHAY NG MGA TAO NOONG PANAHONG NEOLITIKO
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
Natuklasan nila ang pagtatanim ng butil, buto ng prutas, gulay at iba pang halaman. Nagawa nilang magpaamo ng hayop na nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga gawain at pagbubungkal ng lupa. Nakagawa sila ng palayok mula sa luwad na ginagamit nila para lutuan at imbakan ng pagkain. Naging pirmihan na rin ang kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila ng mga pamayanan, at dumating ang panahon ay nagkaroon sila ng mga pinuno at pamahalaan. Isang halimbawa ng neolitikong pamayanang ito ay ang "Catal Huyuk" na matatagpuan sa Anatolia Turkey.
MGA KAGAMITANG BATO NA GAMIT NOONG PANAHONG NEOLITIKO
Mas makinis, pinakintab, at higit sa lahat ay may disenyo. Bawat desinyo at ayon sa kani-kanilang gamit sa pangangaso at gawaing bahay. Ipinapakita nito na ang mga taong ito ay maunlad na ang pag-iisip at may kakayahan nang magdesinyo at magpaunlad ng kanilang mga kagamitan.
ANG PANAHONG METAL
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal.
Nahahati sa tatlong yugto ang PANAHONG METAL, batay sa uri ng ginamit na metal ang bawat yugto. Sinimulan ng mga HITTITE ang paggamit ng metal. Karaniwan nilang ginagamit ito sa armas pangdigma subalit kalaunan ay ginamit na din sa mga kagamitang ginagamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Nagdulot ang paggamit ng metal sa higit pang pagunlad ng TEKNOLOHIYA.
MGA KAGAMITANG METAL NA GAMIT NG MGA TAO NOONG PANAHONG METAL
SINAUNANG PAMAYANAN NG MGA TAO NOONG PANAHONG METAL
TEKNOLOHIYA BILANG KASANGKAPAN SA PAG-UNLAD NG TAO
Ano ba ang TEKNOLOHIYA?bakit kinakailangan ng tao na makatuklas ng bagong teknolohiya?Para saan ito, at ano ang gamit para sa kanila?Papaano ito nagsimula at saan?ano ang mga naunang teknolohiya na naitalang ginamit ng mga tao?
Ang teknolohiya ay kaakibat na ng pag-unlad ng tao. Ito actually ang ginamit ng tao para mapadali ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito sa simpleng paggamit ng tao ng mga kagamitang bato bilang premitibong kagamitan. Lumawak at naging patuluyan ang pagtuklas ng tao sa mga bagay na makakatulong sa kanya(Teknolohiya)hanggang makamit nila ang isang mataas na antas ng pamumuhay.
***
SOURCE:
1.KASAYSAYAN NG DAIGDIG:Araling Panlipunan, kagamitan ng mga mag-aaral.
2. Buhay na Asya
3. Ilang piling tala mula sa wikipedia
4. http://www.arheologija.narod.ru/d1ustanove/vrsac/Prehistoric.html
5. http://archaeologyinfo.com/homo-sapiens/